NAIS ipa-review ni Senator Raffy Tulfo ang franchise ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito’y sa gitna ng kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa.
Sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkules, Hulyo 12, tinukoy ni Tulfo ang pagkakaantala ng 37 transmission projects ng NGCP.
At umabot na aniya ang naturang pagkaantala ng dalawang taon at tatlong buwan.
Isinagawa ang pagdinig ng Senate Committee on Energy hinggil sa plano ng Department of Energy (DOE) para maresolba ang kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa.