KANSELADO ang 10 domestic flights ng AirSWIFT Airlines ngayong Huwebes dahil sa sama ng panahon.
Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division office, kanselado ang biyaheng Manila-El Nido Palawan o vice versa ng AirSWIFT at sa pagitan din ng Manila at Busuanga.
Bukod sa AirSWIFT wala namang anunsiyo ang ibang airlines kaugnay sa flight cancellation.
Pinapayuhan ang mga mananakay na apektado ng flight na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang air tickets.