Laos, nagiging pagsubok ang unexploded ordnance na ibinagsak ng US noong Vietnam War

Laos, nagiging pagsubok ang unexploded ordnance na ibinagsak ng US noong Vietnam War

NAGIGING pagsubok pa rin ng bansang Laos hanggang ngayon ang unexploded ordnance na ibinagsak ng Estados Unidos noong Vietnam War.

Kahit na 50-taon na ang lumipas matapos na pirmahan ang Paris Peace Accords na nagresulta ng full withdrawal ng US forces.

Ang Laos ang pinaka nabombang bansa sa mundo.

Base sa datos, mula 1964 – 1973 higit 2-M tonelada ng bomba ang naibagsak sa Laos kung saan 30 porsiyento ay bigong sumabog.

Naitalang higit sa 270-M cluster munitions ang naibagsak ng US warplanes kung saan tinatayang 80-M maliliit na bomba naman ang naipakalat sa buong bansa.

Higit sa 25 porsiyento ng national territory ng Lao ang mayroon pa ring mga bomba na hindi sumasabog, kung saan ang pinakamarami ay matatagpuan sa Xieng Khouang Province na matatagpuan sa Hilagang Silangan ng bansa.

Ang gobyerno ng Lao ay nagtatag ng Lao National Unexploded Ordnance Programme (UXO Lao) noong 1996 na nakalaan para sa pag-iimbestiga, pagde-detect, at pagsira ng mga bomba na iniwan ng Amerika.

 “Accidents occurred from time to time during cleanup operations, which resulted in injuries and fatalities among our personnel,” ayon kay Saomany manivong, Deputy Director, UXO Lao.

“Certainly I am afraid. When I was a child, I often saw villagers suffer explosive accidents. I want to help them live a safer life,” ayon naman kay Saysamone Nouanthasing, Senior Expert, UXO Lao.

Ang programang ito ay nangangailangan pa ng 100-taon para matapos dahil na rin sa kakulangan ng manpower at financial support.

Ayon sa Lao Ministry of Labor and Social Welfare, higit sa isang milyong UXO devices ang natanggal mula sa humigit-kumulang 79 na libong ektarya ng lupa mula 1996 hanggang Pebrero 2023.

Matatandaan na naging matunog naman uli ang isyu ng cluster munitions matapos na ihayag ng US na handa na itong magbigay ng ganitong armas sa Ukraine.

Follow SMNI NEWS on Twitter