MPD, pinaghahanap na ang 5 pulis na sangkot sa extortion sa Maynila

MPD, pinaghahanap na ang 5 pulis na sangkot sa extortion sa Maynila

PINAGHAHANAP na ng Manila Police District (MPD) ang limang pulis na sangkot sa robbery extortion sa isang computer shop sa Sampaloc, Maynila.

Kabilang sa mga pulis na pinahahanting ni PBGen. Andre Dizon, District Director ng MPD ay sina:

  1. PSSG. Ryann Paculan,
  2. PSSG. Jan Erwin Isaac,
  3. PCpl. Jon Dabucol,
  4. Pat. Jhon Lester Pagar
  5. Pat. Jeremiah Pascual at isang Menay Santos.

Sa report ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, ang station commander ng MPD Station 4 kay MPD Director Andre Dizon, itinuro ang mga nasabing pulis sa extortion noong alas-11:20 ng gabi ng Hulyo 11, nang pasukin ng mga naka sibilyang pulis ang isang computer shop sa Matimyas St. na pag-aari ni Herminigildo dela Cruz.

Upang hindi maaresto, hiningan ng ₱40,000 si Dela Cruz hinihingan pa ng lingguhan lagay at bago umalis ang mga pulis, tinangay pa ang ₱3,500 na pera sa çounter at ang hard disk drive na naglalaman ng CCTV footage sa lugar.

Samantala ni-relieved sa puwesto ang hepe at ang mahigit 50 miyémbro ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit (MPD) dahil dito.

Dinis-armahan na rin ang 22 kagawad ng nasabing operatiba na pinamumunuan ni P/Cpt. Rufino Casagan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter