3 most wanted persons, naaresto ng QCPD

3 most wanted persons, naaresto ng QCPD

NAARESTO sa pamamagitan ng warrant of arrest ang tatlong most wanted persons ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon ng lungsod.

Inaresto ng QCPD La Loma Police Station 1, ang kanilang No. 8 Most Wanted Person na kinilalang si Ernie Ducolan, 38 taong gulang sa Sto. Domingo St., Brgy. Manresa, Quezon City.

Si Ducolan ay may nakabinbing warrant of arrest ng attempted murder na inisyu ni Hon.  Maria Kristel B. Sarmiento-Rapal, ang Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC)-Branch 100, Quezon City.

Samantala, ang akusado na si Rowel Wayan, 21 taong gulang, ng Brgy. Malaya, Quezon City nasa talaan bilang No. 4 Most Wanted Person ng Anonas Police Station (PS 9) ay naaresto sa Anonas Road corner Naranghita St., Brgy. Quirino 2A, Quezon City.

Mayroon siyang nakabinbing Warrant of Arrest for Statutory Rape na inisyu ni Hon.  Maribeth S. Rodriguez Manahan, ang Presiding Judge, RTC, Fourth Judicial Region-Branch 175, San Mateo Rizal.

Sa kabilang banda, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang No. 10 District Level Most Wanted Person na kinilalang si Marvin Mantelo, 35 taong sa No. 75 A Mabini St., Poblacion Plaza, San Pedro Laguna.

Si Mantelo ay may nakabinbing Warrant of Arrest ng Acts of Lasciviousness na inisyu ni Hon.  Roslyn Rabara Tria, ang acting Presiding Judge, RTC-Branch 86, Quezon City.

Aabisuhan ang kani-kanilang korte ng pinagmulan ng mga warrant tungkol sa pag-aresto sa mga akusado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble