PNP, handa na para sa bagong mukha ng kampanya vs ilegal na droga

PNP, handa na para sa bagong mukha ng kampanya vs ilegal na droga

NAKAHANDA na ang buong hanay ng kapulisan sa bansa para sa isang bagong mukha ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Ito’y matapos na ipangako sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maglalagay ito ng mga indibidwal na walang kuwestiyon ang integridad para pangunahan ang kampanya kontra illegal drugs.

Sa panayam kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sinabi nitong mas paiigtingin pa nila ang supply at demand reduction sa ilegal na droga.

Bukod dito, palalakasin din ang rehabilitation program ng pamahalaan sa mga apektado o biktima ng ilegal na droga sa ilalim aniya ng direktiba ng Pangulo.

Naniniwala si Acorda na maaari lamang matapos ang suliranin sa ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng publiko at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Aniya kung walang tatangkilik sa ilegal na gawain na ito, walang lalaganap na ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble