MAGANDANG magkaroon ng crop climate calendar para maisakatuparan ang climate change agenda ng Marcos administration.
Ayon kay Pinuno Party-list Rep. Howard Guintu, sa crop climate calendar ay susundin nito ang akmang weather condition ng isang lokalidad upang matiyak na ang mga itatanim ay nababagay sa panahon.
Sa ilalim din ng House Bill No. 4418 (Climate-Resilient Agriculture Act), isasailalim sa training at capacity-building ang bawat magsasaka.
Magiging katuwang sa pagbuo ng crop climate calendar ang Department of Agriculture (DA), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at ang mga municipal, provincial, at city agriculturists.