Erwin Tulfo, nanumpa na bilang kinatawan ng ACT-CIS Party-list

Erwin Tulfo, nanumpa na bilang kinatawan ng ACT-CIS Party-list

PORMAL nang nanumpa si Erwin Tulfo bilang bagong kinatawan ng ACT-CIS Party-list at bagong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nanumpa nitong Lunes, Hulyo 31 si Tulfo sa harap ni House Speaker Martin Romualdez at nangakong susuportahan ang kasalukuyang liderato ng Kamara.

Pinalitan ni Tulfo bilang ikatlong nominee ng ACT-CIS si dating Cong. Jeffrey Soriano na binakante ang kaniyang puwesto noong Pebrero 2023.

Nakakuha ang ACT-CIS Party-list ng tatlong puwesto sa Kamara matapos makakuha ng mahigit sa 2.1 milyong boto noong May 2022 elections.

Pero bago pa tuluyang makaupo sa puwesto si Tulfo, humarap pa ito sa isang disqualification case na nabasura din ng Commission on Elections (COMELEC).

Dati rin nanilbihan si Tulfo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble