MAGKAKAROON ng water interruption hanggang Nobyembre sa Las Piñas, Bacoor at Imus.
Magkakaroon ng daily water service interruption sa Las Piñas City, Bacoor City, at Imus City sa Cavite mula Agosto 9 hanggang Nobyembre 2, 2023.
Batay ito sa anunsiyo ng Maynilad.
Nilinaw ng Maynilad Water na bagaman may water interruption, hakbang nila ito para mas mapapaunlad pa ang kanilang serbisyo dahil papalitan nila ang 14 na Ultrafiltration (UF) membranes ng Putatan Water Treatment Plant 2.
Sa pagpapalit ng UF membranes ay mas mapanatili nila ang optimum filtration capacity sa treatment facility.
Bilang paghahanda nila sakaling tumaas ang turbidity level ng tubig mula sa Laguna Lake.
Para sa mga magiging apektadong barangay ay maaaring tingnan ang official Facebook page ng Maynilad para sa karagdagang impormasyon.