HANDANG-handa na ang Pinoy Mixed Martial Artist (MMA) na si Dave Bangguigui para sa kaniyang laban kay Sanzhar Zakirov ngayong Biyernes.
Isasagawa ang ONE Friday Fights 28 sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.
Si Bangguigui ay isang professional mixed martial artist na may rekord na 9-1 at may tatlong panalo sa ilalim ng ONE Championship Banner kung saan huli nitong nakalaban at tinalo si Marcus Paulo Amaral noong Abril.
Samantala, kinilala naman si Zakiron na isang unbeaten prospect mula sa Uzbekistan na may rekord na 5-0 at 80% finish rate.
Nanalo si Zakiron sa kaniyang naging huling apat na laban at ang kanyang laban kontra Bangguigui ang kauna-unahang fight nito sa ONE Championship.