PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko patungkol sa halaga ng dapat gastusin ng bawat kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon sa komisyon hanggang limang piso lamang para sa bawat rehistradong botante ang maaaring gastusin ng mga kandidato para sa pangangampanya.
Magsisimula ang filing ng certificate of candidacy (COCs) sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 at idaraos ang halalan sa Oktubre 30 ngayong taon.
Ayon sa komisyon, maaaring makuha ang mga form ng certificates of candidacy (COC) ng mga kakandidato para sa BSKE sa official website ng COMELEC.
Ipinaalala rin ng COMELEC na kailangang magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang lahat ng naging kandidato sa BSKE.