NASAWI dahil sa pamamaril ang barangay chairman ng San Jose, Libon Albay sa unang araw ng paghahain ng kandidatura para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
‘Yan ang inireport ng Commission on Elections (COMELEC) 8:48 kagabi.
Ayon kay COMELEC chair George Garcia, dead on arrival ang biktima at napatay nga ito pagkaraang makapaghain ng kaniyang COC.
Maliban dito, tatlo pa na election related violence ang naitala ng COMELEC sa unang araw ng filing.
Ang isa ay sa Libon Albay rin kung saan kagawad ang biktima, isa sa Rizal at isa sa Maguindanao.