Epekto ni Bagyong Goring, ramdam sa buong Cagayan Valley at Cordillera

Epekto ni Bagyong Goring, ramdam sa buong Cagayan Valley at Cordillera

UMAKYAT na sa mahigit dalawang libong pamilya o katumbas ng tinatayang mahigit walong libong katao ang apektado ng Bagyong Goring sa buong Region 2.

Dahil dito patuloy ang mahigpit na ugnayan at pagsasanib ng puwersa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng kasundaluhan ng 5th Infantry Division na naka-deploy sa Isabela, Cordillera, Cagayan at Ilocos Region.

Kasama rin ang PNP, Office of the Civil Defense, (OCD), BFP, DSWD, DRRMO at iba pa upang maibigay ang pangangailangan ng mga apektado ng bagyo.

Sa ngayon, nakaalerto at handa ang Emergency Response Company (ERC) at Humanitarian and Disaster Response (HADR) ng 5ID para sa anumang pagkakataon.

Follow SMNI NEWS on Twitter