Ekonomiya ng Pilipinas, dehado kung aatras ang maraming Chinese investor na mamuhunan sa bansa—Pastor ACQ

Ekonomiya ng Pilipinas, dehado kung aatras ang maraming Chinese investor na mamuhunan sa bansa—Pastor ACQ

HINDI masisi ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang mga negosyante mula China kung aatras o magdadalawang isip na mamuhunan sa Pilipinas.

Ito ang naging pananaw ni Pastor Apollo kasunod ng naging pahayag ng Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP).

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis, Jr., marami nang Chinese investor ang nagdadalawang isip na magnegosyo sa bansa kung saan isa sa mga dahilan ay ang naging pahayag ng isang government official na i-boycott ang mga negosyo at produkto mula China.

“It was a rush judgment or statements that probably will not be so good for our economy pero naging mapusok ang ating mga leader sa pagbibigay ng mga statements na ganoon. If I am China, I will not blame them for being reluctant right now to invest in the Philippines because of those negative environment that they will be coming in to invest. ‘Di sila welcome eh. Hindi ka na welcome, bakit ka pa pupunta doon? ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Paliwanag ng ECOP na 18% ang mawawala sa ekonomiya ng bansa kung ibo-boycott ang mga negosyo at produkto mula sa China.

Para kay Pastor Apollo, dehado ang ekonomiya ng Pilipinas dito.

Ayon sa butihing Pastor dapat pinag-isipan muna ng nasabing lider ang kaniyang naging pahayag bago ito nagsalita.

“’Yun ang idalangin natin na ngayon na tumatabang ang loob ng China dahil sa mga statements at mga nangyayari, magiging dehado tayo sa ekonomiya,” dagdag ni Pastor Apollo.

“Sana ang isang leader ay mag-isip. Tulad ng sinabi ko noon, pag-isipan muna nating mabuti ang ating gagawin. Kasi ang mahalaga dito ‘yung ekonomiya natin na makakatulong,” aniya.

Dagdag pa ng butihing Pastor, dapat laging tingnan ng mga lider kung ano ang magiging epekto ng kanilang mga pahayag sa bansa.

“So ngayon tayo mapusok tayo dahil masyado tayong nationalistic, okay ‘yun. Pero what is the effect? Yung bang ginagawa natin ay makakapagbigay ba nang magandang imahe sa ating bansa? At makakapagbigay ba ng pagkalago ng ating bansa? ‘Yung ang epekto. Ang tingan mo yung epekto ng iyong statements, ‘yung ginagawa mo,” ayon pa sa butihing Psator.

Paliwanag pa ni Pastor Apollo na may iba pang paraan upang resolbahin ang mga isyu sa pagitan ng China at Pilipinas sa mapayapang paraan.

“Other issues can be thresh out in a peaceful manner or in a manner where, kung dehado tayo ngayon in the eyes of the world community, panig sa atin. So we have the demographic political advantage of other nations going our side. We can use that to talk to China. You cannot do tit for tat to China kasi gagamitin nila ‘yung paninikil nila, ‘yung lakas nila. Wala tayong magagawa eh kundi madedehado tayong lalo,” ani Pastor Apollo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter