Census sa agrikultura at pangisdaan, isinasagawa sa Quezon

Census sa agrikultura at pangisdaan, isinasagawa sa Quezon

ISINASAGAWA ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang census sa agrikultura at pangisdaan sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay PSA-Quezon Officer Airene Pucyutan, target ng departamento ang 62,000 respondents na sangkot sa pagsasaka, pangingisda at aquaculture.

Target din ng PSA ang nasa 58,000 na kabahayan na may mga miyembrong sangkot sa agrikultura at pangingisda.

Hinikayat ni Pucyutan ang mga respondent at mga opisyal ng barangay na tumulong sa pagbibigay ng tamang impormasyon at datos.

Makatutulong ang pagsasagawa ng census sa food security, economic stability at sustainability sa pag-unlad ng probinsiya.

Samantala, nagsimula ang survey nitong Setyembre 4 at magtatapos sa Oktubre 25.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble