HIHINGI ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) para mahuli si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.
Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo matapos maglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 51 dahil sa kasong murder, frustrated at attempted murder na kinakaharap ni Teves at iba pang indibidwal.
Ayon kay Fajardo, maging sa iba pang ahensiya ay nakikipag-ugnayan sila upang maipatupad ang warrant of arrest.
Pero malaking hamon aniya para sa kanila ay kung walang extradition treaty sa bansang kinaroroonan ng dating mambabatas.
Kaugnay nito, may binuong tracker team ang PNP upang matunton si Teves na sinasabing paikot-ikot lang sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Matatandaang tinanggihan ng Timor Leste ang hiniling na asylum ni Teves.