Bloodletting program na pinangunahan ni Sen. Revilla, umani ng maraming suporta

Bloodletting program na pinangunahan ni Sen. Revilla, umani ng maraming suporta

ARAW ng Huwebes ay nag-alay ng kaniyang dugo si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. para sa isang bloodletting program na ginanap sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite.

Ito ay taunan nang ginagawa ng senador mula pa 2007 bilang bahagi sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Ang mambabatas ay nakatakdang magdiwang ng kaniyang ika-57 birthday sa Setyembre 25.

“Kaya sa aking kaarawan, ang wish ko ay para sa ating mga kababayan … kaya’t konting tiis lang at babangon tayo Pilipinas,” saad ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ngayong taon, daan-daan ang nagbigay ng kanilang suporta para sa bloodletting program na pinangunahan ng senador. Kabilang dito ang mga tauhan mula sa PNP, AFP, BJMP, Philippine Air Force, Philippine Army, Phil. Navy, mga NGO at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Naroon din para magbigay ng kanilang suporta kay Revilla ang kaniyang kapatid na si Bacoor City Mayor Strike Revilla, at ang kaniyang maybahay na si Cavite Congresswoman Lani Mercado.

“Muling nagbukas po talaga ang mga pintuan after COVID. This is our way to recovery… at ililink po namin kayo sa mga ospital,” ayon kay Congw. Lani Mercado-Revilla.

Bukod sa ipinagpasalamat ng senador ang matagumpay na bloodletting ay ipinagpasalamat niya rin nya sa Diyos ang kaniyang ika-50 taon sa show business bilang artista.

“Am so happy, at this age. 50 years in show bussiness. I started very young at the age of 7 tapos Im turning 57 na so sobrang blesings ng Panginoon…. at ‘yan po ay ang sambayanang Pilipino,” ani Sen. Revilla.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble