PATULOY ang pagpapagaling ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos itong ma-diagnose ng pneumonia sa kasagsagan ng concert tour nito sa Estados Unidos.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang asawa ng singer na si Angeli Pangilinan sa pamamagitan ng isang social media post.
Naka-address ang nasabing post sa lahat ng fans ng singer na dahil sa pansamantalang pag-hold ng mga ticket na maaari aniyang ma-postponed.
Sa ngayon, mayroon pang natitirang limang concert si Gary sa US at Canada, habang apat naman sa Manila.
Sa huli, nagpaabot din naman ng dasal ang ilang fans sa kondisyon ngayon ni Gary.
