Pilipinas, nanawagan sa Myanmar na sumunod sa human rights declaration ng ASEAN

NANAWAGAN ang Pilipinas na sumunod ang Myanmar sa deklarasyon ng human rights ng ASEAN.

Sa ika-33 pagpupulong ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights (AICHR) ay nagpahayag ng pag-aalala ang CHR representative ng Pilipinas na si Jaime Victor Ledda ukol sa sitwasyon sa Myanmar.

Pilipinas nanawagan sa Myanmar na sumunod sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) human rights declaration sa gitna ng sitwasyon sa nasabing bansa.

“The Philippines called on Myanmar to adhere to principles enshrined in the ASEAN Charter and the ASEAN Human Rights Declaration, including the adherence to the principles of democracy, the rule of law and good governance, respect for and protection of human rights and fundamental freedoms,” Pahayag ng DFA

Ang ASEAN human rights declaration ay na-adopt noong Nobyembre 18 sa Phnom Penh, Cambodia.

Ito ang kauna-unahang instrumernto sa Southeast Asia para ipatupad ang mga prinsipyo ng human rights.

Ang AICHR ay ang napakalawak na katawan ng karapatang pantao sa utos ng ASEAN na pangasiwaan ang pagpapatupad ng ASEAN Human Rights Declaration.

Ito ay upang tulungan ang mga estado na makamit ang layuning ito at itaguyod at protektahan ang mga karapatang pantao sa rehiyon.

Sa ika-33 pagpupulong ng AICHR ay tinalakay din ang nagpapatuloy na mga prayoridad na programa at aktibidad ng AICHR sa negosyo at karapatang pantao pati na rin ang karapatan ng bata, karapatan sa kalusugan at karapatan sa pag-unlad.

Samantala, ang permanenteng kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN sa Jakarta na si Noel Servigon ay dumalo sa AICHR-CPR upang himukin ang pagpupulong upang isaalang-alang karapatan ng bata sa edukasyon upang mapahusay ang kamalayan sa kalagayan ng mga bata.

Matatandaang daan-daang sibilyan kabilang ang mga bata na nasawi sa crackdown sa Myanmar kung saan mayroon pa ngang 7 taong gulang na bata na nabaril sa kanilang tahanan.

(BASAHIN: Halos 40 katao patay sa magulong protesta sa Myanmar—UN)

SMNI NEWS