Pamamahagi ng fuel subsidy, ipagpapatuloy na ng LTFRB

Pamamahagi ng fuel subsidy, ipagpapatuloy na ng LTFRB

MAKAKAKUHA na ng fuel subsidy ang mga kwalipikadong operator at tsuper ng pampublikong transportasyon sa buong bansa.

Kasunod ito sa pansamantalang pagkaantala ng pamimigay ng naturang subsidiya dahil sa ipinatupad na election spending ban ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa nalalapit na halalan ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), exempted na sila sa nasabing kautusan matapos aprubahan ng COMELEC ang kanilang aplikasyon, Miyerkules ng hapon, Setyembre 20.

As of September 15, nasa 63,864 PUVs na sa buong bansa ang nakakuha ng subsidiya alinsunod sa pagpapatupad ng Fuel Subsidy Program ng pamahalaan sa ilalim ng General Appropriations Act of 2023.

Karamihan sa mga naunang nabigyan ng naturang subsidiya ang mga operator ng mga  Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) habang nakatanggap na rin ang mga operator ng mga Modern Public Utility Jeepney (MPUJ), Public Utility Bus (PUB).

Kasama rin ang nga mini-bus (MB), Tourist Transport Services (TTS), School Transport Services (STS), Filcab, at iba pang mga pampublikong sasakyan.

Follow SMNI NEWS on Twitter