76 Chinese national POGO workers sa Pasay City, nai-deport na pabalik sa China

76 Chinese national POGO workers sa Pasay City, nai-deport na pabalik sa China

NAI-deport na ang 76 Chinese national pabalik sa Nanning, China dahil sa paglabag sa Immigration Law ngayong araw ng Biyernes.

Pasado alas dos ng hapon, araw ng Biyernes, nakaalis na pabalik ng China ang mga naturang POGO workers mula sa NAIA Terminal-1 sakay ng Royal Air.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang mga naturang dayuhan ay ilegal na nagtra-trabaho sa Rivendell POGO Hub sa Pasay City at unang batch na nai-deport mula sa naturang kompanya.

Tinawag na Online Gambling Hubs ang pag-raid ng PAOCC sa Rivendell noong nakaraang Agosto dahil ang kanilang lisensiya ay hindi akma sa isinasagawang operasyon ng kompanya.

Nasa halos 700 ang mga tauhan ng Rivendell at kalahati dito ay mga dayuhan sa bilang na nabanggit.

24 ang kinasuhan ng criminal charges sa mga dayuhan at 84 sa mga Filipino workers.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter