Militar, nanindigang lehitimo ang operasyon sa Negros Occidental

Militar, nanindigang lehitimo ang operasyon sa Negros Occidental

NANINDIGAN ang 3rd Infantry Division ng Philippine Army na lehitimo ang operasyon ng 47th Infantry Battalion kung saan napatay ang 6 na miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa Brgy. Tabugon, Kabankalan, Negros Occidental.

Sinabi ni Lt.Col. J-Jay Javines, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division na sinunod ng mga sundalo ang rules of engagement at international humanitarian law sa kanilang operasyon.

Ayon kay Javines, ang mga napatay sa operasyon ay mga kilabot na NPA na sangkot sa iba’t ibang krimen.

Kumpiyansa naman ang militar sa gagawing imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) upang lumabas ang katotohanan sa sinasabing paglabag sa karapatang pantao ng mga sundalo.

Pinaalalahanan din ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon na inilalabas ng mga kalaban ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS on Twitter