TAU Gamma Phi na naman?! Yan ang tanong ni House Deputy Minority Leader at BH Party-list Rep. Bernadette Herrera matapos masangkot ang Tau Gamma Phi sa panibagong insidente ng hazing.
Kuwestiyon ni Herrera kung bakit laging nasasangkot sa hazing ang nasabing frat organization.
Panawagan naman niya sa Department of Justice (DOJ) na siyasatin ang determinasyon ng Tau Gamma leadership na sumunod sa batas at ipagbawal ang hazing sa kanilang grupo.
Pati na ang ‘liability’ ng ‘national and local leadership’ ng organisasyon sa mga insidente ng hazing lalo na sa pagkasawi kamakailan ng pledgee nitong si Ahldryn Bravante- isang estudyante ng Philippine College of Criminology.
Bukod kay Bravante, nasangkot din ang Tau Gamma sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Mathew Salilig Marso ngayong taon.
“There seems to be a systemic evil that pervades within their organization. That evil must be exorcised no matter how long it takes,” ani Herrera.