NANINIWALA si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na tinatarget ng Russia na pasabugin ang Nuclear Power Station sa Khmelnitskyi Region matapos isinagawa ang isang drone attack sa lugar nitong Oktubre 25.
Sa kabutihang palad ayon sa International Atomic Energy Agency (IAEA) ng United Nations (UN), bagama’t nabasag ang mga bintana at nagkaroon ng temporaryong pagkawala ng kuryente sa ilang off-site radiation monitoring stations, hindi ito nakaaapekto sa kabuuang operasyon ng planta.
Ibinahagi lang ni Regional Governor Serhiy Tyurin, mahigit 1,700 imprastraktura ang nagkaroon ng pinsala.
282 ay apartment blocks, mahigit 1,400 mga kabahayan, 40 isang educational institutions at anim na healthcare buildings.
Sa naging drone attack din ay nasa 20 ang sugatan.