KASALUKUYAN nang beneberipika ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y pagpasok ng New People’s Army (NPA) sa Bongabong Nueva Ecija at Sagay City, Negros Occidental ngayong panahon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. mahigpit nilang tinututukan ang dalawang lugar na ito dahil sa posibleng pakikipag-ugnayan ng mga kandidato sa mga armadong grupo para sa kanilang tiyak na panalo.
Kasabay rito ang paalala ng pulisya sa mga kandidato na iwasan ang nasabing ilegal na gawain bilang paglabag sa demokrasya o kalayaan ng mga botante na pumili ng mga politiko na iboboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan.