NILINAW ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya dinedepensahan ang China sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Sa kaniyang programang Gikan sa Masa Para sa Masa (GMPM) kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, inihayag ng dating Pangulo na ito ay isyu ng teritoryo ng bansa kaya hanggang pag-uusap lamang ang maaaring gawin ng gobyerno at hindi pakikipag-away.
Kamakailan ay nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita sa conference sa South China Sea si Chinese Air Force Col. Sao Bo at Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela.
Ayon kay Sao Bo, si Tarriela ay inilalarawan ang China bilang demonyo sa rehiyon habang ang Pilipinas naman ay pinagmumukhang anghel.
Sinagot naman ito ni Tarriela sa Twitter post na nagsasabing hindi iginagalang ng China ang rules base order at sa halip ay binabago ang kasalukuyang sistema sa pamamagitan ng intimidasyon.
Ayon naman kay dating Pangulong Duterte, payapa namang nakakapaglayag ang mga Pilipinong mangingisda roon kaya huwag nang palalain pa ang sitwasyon.
‘‘In short, hanggang usap lang tayo, we cannot go beyond words, period. If we go to arms, wala tayo. Hanggang words lang tayo, so hindi ako nag-aano, I’m not trying to justify or defend China.’’
‘‘Alam mo it’s a matter of where you, from where you look at it, kasi ang boundary ang pinag-usapan eh.’’
‘‘Mga lupa natin ‘yung, you know even how accurate ‘yung teleskopyo ng mga geodetic engineers, there would still be trouble. So, itong atin, it say a question of territory.’’
‘‘Hayaan mo na muna, tutal nandiyan na rin ‘yan wala namang barko, wala namang enterprising na ano na diyan puro kwestyunable lang ‘yung question mark diyan. Leave it that way, it has always been that way. Do not, ‘wag mong palalain ang problema,’’ ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Dagdag pa ng dating Pangulo, hindi naman nagpapadala ng barkong pandigma ang China kaya marapat lamang na hayaan na lamang ito.
‘‘Dito sa atin, hayaan mo muna ‘yan dyan, wala namang gumagalaw, ang China wala namang barko diyan, ni walang warship sila dyan, hayaan na lang natin. Sometimes we strain, and if we are kung maabutan nila ng patrol but hanggang ngayon wala akong nakita. I have not seen, maybe before, but I do not remember a grayship. Grayship is.. barko na pang giyera,’’ dagdag pa ni dating Pangulong Duterte.
Inihayag naman ni dating Pangulong Duterte na kung mayroon mang mga isyung ganito ay dapat na mga diplomatiko gaya ng mga nasa Foreign Affairs ang maglabas ng opisyal na pahayag ukol dito.