NAIS ni Lito Adiwang na sunod na makakalaban ang Cuban mixed martial artist na si Gustavo Balart.
At sakali mang magkaroon ng tsansang makalaban si Balart ay magiging daan aniya ito na makalaban ang American mixed martial artist na si Jarred Brooks.
Nitong Nobyembre 4 sa naging laban ni Adiwang kontra kapwa Pinoy mixed martial artist na si Jeremy Miado sa Thailand ay nagtagumpay ito.
Sa kasalukuyan ay may professional record na 15 wins, 5 losses at zero draws.