NAKUHA ng San Jose del Monte City ang Number One post bilang Top Performing District ng buong Central Luzon.
Sa pangunguna ni Congresswoman Florida Rida Robes, nagkamit ang kongresista ng 92.5% performance assessment rating bilang isa sa Top 1 performing District Representative sa rehiyon.
Sa ilalim ng kategorya ng pagbibigay ng trabaho at oportunidad sa mga mamamayan nito, kinilala ng “BOSES NG BAYAN” survey sa pangunguna ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), hindi maikakaila na makuha nito ang unang puwesto sa nasabing assessment.
Kasabay rito ang pagpapasalamat ng mambabatas katuwang ang punong lungsod ng San Jose del Monte City Mayor Art Robes sa suportang nakukuha nila sa taumbayan para ipagpatuloy ang malasakit sa bawat San Joseños.
Bukod kay Robes, nakuha rin ni Zambales, 1st District Rep. Jefferson Khonghun at Pampanga, 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang unang puwesto, habang ang mga mambabatas naman na sina Aurora Lone District Rep. Rommel Rico, Bulacan 4th District Linabelle Villarica at Nueva Ecija 1st District Mika Suansing ang nakakuha sa ikalawang puwesto.
Pumangatlo naman sina Bulacan 2nd District Rep. Ditse Tina Pancho, at Nueva Ecija 3rd District Rep Ria Vergara.