WALA nang laman ang fuel storage facility sa Gaza Strip at malapit nang mahinto ang relief operations ng United Nations doon.
Ayon kay United Nations Relief Works Agency for Palestine Refugees Commissioner-General Philippe Lazzarini, kung wala nang nakaimbak na langis ang kanilang organisasyon ay magtatapos na rin ang humanitarian operation nila sa Gaza.
Mas marami pa ngayon ang maghihirap at posibleng mamamatay na lang.
Matatandaang simula nang sinalakay ng Hamas militant group ang Israel noong Oktubre ay hindi na nila pinapahintulutan na magkaroon ng shipment ng fuel sa Gaza.
Maliban pa rito ay pahirapan din para sa United Nations ang makakuha ng supplies para sa Palestinian civilians habang hindi naapektuhan ang anumang operasyon na gagawin ng Israel laban sa Hamas.