BILANG parte ng start up for affected and typhoon-ravaged agrarian reform communities o project Sara, namahagi ng rehab fund at pangkabuhayan para sa mga magsasaka ng Camarines Sur at Sorsogon ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Trade and Industry (DTI).
Muling natulungan ang sektor ng mga magsasaka sa probinsiya ng Camarines Sur at lalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng financial assistance at maliliit na negosyo ng Department of Agrarian Reform at Department of Trade and Industry.
11 Agrarian Reform Beneficiaries Organizations o ARBO’s sa Camarines Sur ang nakatanggap ng 625,000.00 mula sa Department of Agrarian Reform bilang parte ng start-up for affected and typhoon-ravaged agrarian reform communities or project Sara.
Layunin ng DAR’s project Sara na masuportahan ang mga farmers-members ng organisasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial assistance upang muling mag-invest ang mga ito sa vegetable production na makabangong muli sa naging masamang epekto ng bagyo nang nakaraang taon.
Umabot sa 125 vegetable farmers ang nabigyan ng ahensiya ng mga binhi tulad ng egg plant, squash, sili, pole beans, okra at urea. Maging ang kumpletong fertilizers, herbicide at iba pang mga seedlings.
Samantala, ang DAR at DTI ay nagkaloob din sa mga magsasaka ng Sorsogon ng maliliit na negosyo sa pamamagitan ng food processing bilang karagdagang hanap-buhay ng mga benipisyaryo upang magkaroon ng madalian at alternatibong mapagkukunan ng income at masiguro ang pagkain ng mga ito sa gitna nang pandemya.
Bukod pa rito ang DTI ay nagbigay din ng isang unit na heavy duty continuous band sealer at isang unit ng heavy duty meat grinder na nagkakahalaga ng P90,000,00.
Ang mga proyektong ito ay isang napakalaking tulong sa mga magsasaka hindi lamang sa Sorsogon at Camarines Sur kundi maging sa buong Bicol Region.
(BASAHIN: Bilang ng mga inilikas na pamilya sa Bicol Region, nasa mahigit 29-K)