NAKATANGGAP ng financial assistance na nagkakahalaga ng P15K kada isa ang 76 na mga nagbalik loob na rebelde habang P65K kada isa ang mga dating miyembro ng militia ng bayan mula sa financial assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa mga terorista at suporta para sa mga nagbalik-loob ng mga kababayan sa ilalim ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinangunahan ni Nueva Ecija Vice Governor Anthony Umali ang distribusyon ng financial assistance sa 76 mga dating rebelde na ginanap sa Nueva Ecija Police Provincial Office sa lungsod ng Cabanatuan.
Nakatanggap ng tig P15K ang nasa 50 dating regular na miyembro ng NPA habang tig P65K naman para sa mga dating miyembro ng militia ng bayan para sa kanilang livelihood at immediate assistance.
Ayon kay Lt. Col. Reandrew P. Rubio, Commander of the Philipine Army’s 91st infantry “Siangtala” Batallion, hinahangaan niya ang mga dating rebelde sa naging desisyon ng mga ito na magbalik loob sa gobyerno at tiniyak na patuloy silang susuportahan ng pamahalaan sa alinsunod sa Executive Order no. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pakiusap ni Rubio sa mga dating rebelde at kanilang mga supporters na makipagtulungan sa pamahalaan para sa tunay na kapayapaan para wakasan ang insurhensya sa lalawigan ng Aurora at Nueva Ecija.
Inihayag din ni Vice Gov. Umali na ang pagsisikap ng anti-insurgency ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang pag-asa na maibalik ang mga naligaw na kababayan at tapusin ang insurhensya sa mabuting paraan.
Tiniyak ni Umali na ang provincial government ng Nueva Ecija ay laging handa para tulungan ang Novo Ecijano na nalinlang ng maka-kaliwang grupo sa pamamagitan ng tulong ng E-CLIP.
(BASAHIN: P14.4-M housing project para sa mga dating rebelde, itatayo sa Nueva Ecija)