WALANG pag-asang manalo bilang presidente ng Pilipinas si dating Senador Antonio Trillanes IV.
Ito ang inihayag ni Atty. Larry Gadon, isang private lawyer, sa panayam ng SMNI News kasunod ng pahayag ni Trillanes sa planong pagtakbo nito sa darating na 2022 Presidential Election.
“Ako ay naniniwalang na walang kapag-a-pag-asa na manalo itong si Trillanes against the potential candidates na kagaya nila Bongbong Marcos, (Davao Mayor) Sara Duterte, (Senator) Grace Poe, at (Senator) Manny Pacquiao. Among them I could probably say na ang pinakakulelat diyan ay si Trillanes,” pahayag ni Gadon.
Nilinaw naman ni Gadon na walang problema kung tatakbo si Trillanes bilang presidente dahil may kalayaan ito sa ilalim ng demokrasya.
Mas mabuti rin aniya itong kumandidato sa posisyon kung ikukumpara kay Vice President Leni Robredo.
Base sa anunsyo ni Trillanes sa isa nitong Facebook post, naghahanda aniya si VP Robredo na tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur.
Samantala, iginagalang naman ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang planong pagtakbo ni Trillanes sa pagkapangulo.
Aniya, karapatan ng bawat Pilipino ang tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
“Everybody, every Filipino has the right to run the presidency if they think that they are chosen for the job that is perfectly his own right. Let his friends in the opposition consider him or consider their as a presidential candidate that’s exactly what they are doing right now they are trying to choose whoever wants to run the presidency that is their right upon them the opposition including former Senator Antonio Trillanes who is really aching to become the president of the country. So, that is the right of every Filipino not only Trillanes but every Filipino has the right to run for the presidency if they think they can do something for the country. That is their own right to do,” pahayag ng butihing Pastor.
Samantala, sa usapang impeachment kay Associate Justice Marvic Leonen, umaasa si Atty. Gadon na uusad na ito lalo pa’t nabigyan na ito ng pagkakataon ng Ombudsman na makakuha ng kopya ng SALN ni Leonen.
Naniniwala si Gadon na ang hawak niyang dokumento laban kay Leonen na nagpapa-totoong labing limang beses itong hindi nagdeklara ng SALN na aniya’y mabigat na grounds para mapatalsik ito sa kanyang pwesto.
(BASAHIN: 1Sambayan coalition, planong mag-endorso ng unified opposition slate)