1Sambayan coalition, planong mag-endorso ng unified opposition slate

INILUNSAD ngayong araw ang 1Sambayan coalition sa pangunguna nina retired Associate Justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Layunin ng koalisyon na maghanap at mag-endorso ng isang unified opposition slate para sa 2020 elections na karapat-dapat mamuno sa bansa.

Ilan naman sa mga posibleng ikampanya ng 1Sambayan coalition ay sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, dating Senador Sonny Trillanes, Senador Nancy Binay at Senador Grace Poe.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na napakaaga pa para pag-usapan ang eleksiyon at pulitika.

Panawagan ni Roque na isantabi muna ang pulitika habang may pandemya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.