MULING nagpaalala sa publiko ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kontra kriminalidad ngayong Kapaskuhan.
Sa panayam ng media kay PNP PIO chief Police Colonel Jean Fajardo, partikular na pinapakiusapan nila ang mga pumupunta sa mga matataong lugar, sa mga magbibiyahe na maging alerto sa mga gamit at sa kapaligiran.
Bahagi ito ng pagtitiyak na walang masasaktan at mabibiktima ng mga kriminal ngayon Kapaskuhan.
Matatandaang nakaalerto ang mga kapulisan at kasundaluhan ngayon dahil sa nangyaring marawi bombing nitong Linggo.
Mainam na anila ito sa pagsisiguro na maging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.