NANAWAGAN si Sen. Cynthia Villar sa publiko na suportahan ang mga entrepreneur at pahalagahan ang kanilang mga produkto at mga inobasyon.
Ang panawagan ay ginawa ni Villar sa 23rd World Bazaar Festival na inorganisa ng Worldbex Services International sa Pasay City nitong Disyembre 13.
Iginiit ng mambabatas na ang bawat transaksiyon ay nag-aambag sa kanilang pagsisikap sa environmental advocacy, education, child welfare, disaster response at preparedness at community building.
Pinasalamatan din niya ang mga seller at exhibitor sa pagpakita sa kanilang magagandang produkto at pagtulong sa ating ekonomiya.