KINONDENA ng World Health Organization (WHO) ang pagkasira ng Kamal Adwan Hospital sa North Gaza na siyang ikinamatay rin ng walong pasyente.
Batay sa post ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, marami rin aniyang mga health worker na na-detain dahil dito.
Ibinahagi ni Ghebreyesus ang naturang balita matapos umalis ang Israeli Army sa ospital matapos ang ilang araw na operasyon dito.
Sa panig ng Israeli Army, nagsagawa sila ng operasyon sa Kamal Adwan Hospital dahil kinokontrol at ginagamit umano ito ng mga Hamas militant group.