HINDI irerekomenda ng Philippine National Police (PNP) ang ceasefire o tigil-putukan sa communist terrorist groups (CTGs) na CPP-NPA ngayong Kapaskuhan.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Fajardo, magpapatuloy ang pagbabantay ng pulisya laban sa mga rebelde lalo’t may nasawing sundalo sa engkuwentro sa Batangas kamakailan.
Maliban dito, pinaghahandaan ng PNP ang anibersaryo ng CPP-NPA sa Disyembre 26.
Nagdagdag na ng deployment sa mga police station na posibleng makaranas ng pag-atake ng mga rebelde.
Katuwang ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtiyak na hindi makokompromiso ang kaligtasan ng security forces at ng mamamayan.