Station commander at 2 subordinates ng Galas Station sa QC, tinanggal sa puwesto dahil sa leaked video ni Ronaldo Valdez

Station commander at 2 subordinates ng Galas Station sa QC, tinanggal sa puwesto dahil sa leaked video ni Ronaldo Valdez

TINANGGAL sa puwesto ang station commander ng Quezon City Police District- Galas Station at dalawang subordinates nito matapos nai-leak at nag-viral ang isang video ng namayapang aktor na si Ronaldo Valdez.

Ayon kay QCPD Director Brigadier General Redrico Maranan, mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at kriminal.

Nilinaw ni Maranan na ang pagtanggal ng tatlo sa kani-kanilang puwesto ay alinsunod sa utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kilalanin o alamin ang sinumang salarin sa nai-leak na video at maghain ng kaso laban dito.

Binigyang-diin rin ni Maranan na “Principle of command responsibility” ang pinaka-dahilan kung bakit tinanggal sa puwesto ang station commander.

Sa ngayon ay naka-assign na sa district personnel holding administration section ang tatlo habang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon hinggil sa isyu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble