HINDI ikinatuwa ng mga animal rights activist sa Mexico ang pagpapahintulot na magsagawa muli ng bullfighting sa kanilang bansa.
Sinabi ng organisasyon na Justicia Justa, ang pagkakaroon ng bullfighting ay nagiging sanhi para magkaroon ng hindi kaaya-ayang kapaligiran dahil nahihikayat ang mga taga-Mexico na maging marahas sa mga hayop o sa kapwa.
June 2022 nang maipahinto ang bullfighting na naging libangan na sa Mexico sa nakalipas na 500 taon.
Mismong ang Justicia Justa ang nanguna para maipahinto ito.
Bagamat pinapahintulutan muli ang bullfighting, sinabi ng isang miyembro ng Mexico City Congress na hindi sila hihinto sa paghahain ng mga batas na tuluyang mapahinto ito.