NCRPO, nakapagtala ng mga nahilo, nagsuka, at nasugatan sa Traslacion 2024

NCRPO, nakapagtala ng mga nahilo, nagsuka, at nasugatan sa Traslacion 2024

HINDI bababa sa 17,000 ang mga pulis, militar at iba pang uniformed personnel at security augmentation na ipinakalat para sa Traslacion ngayong taon.

Maliban sa Manila Police District (MPD) ay may iba’t ibang unit ng PNP ang nakakalat ngayon sa Quiapo, Maynila para tiyakin ang seguridad ng mga tao habang may idinadaos na Traslacion.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang iba pang umaagapay sa seguridad ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang law enforcement unit.

Sa entrance sa Quiapo Church sa bahagi ng Plaza Miranda, mayroon namang nilagay na mahigpit na security screening check point ang Office Transportation Security.

Ang mga ilang dumalo sa Traslacion nahulihan ng mga bladed weapons at iba pang bawal tuwing Traslacion.

Sa kapal ng volume ng tao, mayroong mga nahilo at nasaktan.

As of 3:00 ng Martes ng hapon, nasa mahigit 600 ang kinailangang bigyan ng medical assistance ng Philippine Red Cross.

182 dito ang nahilo, nagkaroon ng hirap sa paghinga, nagkaroon ng paninikip ng dibdib at tumaas ang blood pressure, at iba pa.

Habang anim ang nagkaroon ng head trauma.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble