PNP, iginiit sa ICC na gumagana ang sistema sa Pilipinas

PNP, iginiit sa ICC na gumagana ang sistema sa Pilipinas

GUMAGANA ang sistema ng hudikatura sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. sa panayam ng media sa Kampo Krame araw ng Lunes, Enero 22, 2024.

Ito’y kaugnay sa ipinalabas umanong pahayag ni dating Sen. Sonny Trillanes na natapos na aniya ang ginawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa usapin ng extra judicial killings sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng drug war campaign nito.

Pero ayon sa PNP, wala silang natatanggap na anumang kumpirmasyon sa mga hakbang na ginagawa ng ICC sa bansa patungkol sa isyu ng pagtugon ng gobyerno sa problema sa ilegal na droga.

Ani Acorda, maayos ang koordinasyon nila sa Department of Justice (DOJ) at iba pang law enforcement agencies sa pagpatutupad ng karampatang parusa sa mga lumalabag sa batas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter