BIBIDA si Xiumin, ang vocalist-rapper ng South Korean boy group na EXO sa upcoming drama na may pamagat na “Heo’s Restaurant”.
Batay ito sa isang fantasy romance comedy drama kung saan si Xiumin ay gaganap bilang Heo Gyun, isang kontrobersiyal na tao mula sa Joseon dynasty ay nag-time travel sa makamodernong panahon.
Dito ay namamahala siya ng isang restaurant.
Makakasama niya rito si Exy, ang leader at main rapper ng girl group na Cosmic Girls at si Lee Soo Min.
Noong 2016 ay tampok na si Xiumin sa pelikulang “Kim Sun Dal”.