Pilipinas at South Korea, may collab para sa action movie na “The Guardian”

Pilipinas at South Korea, may collab para sa action movie na “The Guardian”

MAGKAKAROON ng collab ang Pilipinas at South Korea para sa isang action movie na may pamagat na “The Guardian”.

Ang action-drama ay pagbibidahan ni Nam Woo-hyun, ang vocalist ng K-pop boy group na “Infinite” kasama si Park Eun-hye ng “Alchemy of Souls” at “Hallyu Star” na si Han Jae-seok.

Makakasama rin dito si Yassi Pressman at Eric Ejercito.

Samantala, sentro ang kuwento nina Woo Hyun at Eun Hye, mag-inang Korean nationals na naninirahan sa Pilipinas.

Sanib-puwersa sa paggawa ng “The Guardian” ang Parallax Studio, Robosheep Studios, GV Labs, Will Studios, Viva Films, at Ovation Productions.

Follow SMNI NEWS on Twitter