Vilma Santos, nakuha muli ang “Best Actress” Award para sa “When I Met You in Tokyo”

Vilma Santos, nakuha muli ang “Best Actress” Award para sa “When I Met You in Tokyo”

NAKUHA muli ni Vilma Santos ang Best Actress Award sa 2024 Manila International Film Festival (MIFF) na isinagawa sa Los Angeles, California, USA.

Para ito sa kaniyang pelikulang “When I Met You in Tokyo”.

Una nang nakuha ni Vilma ang naturang parangal noong December 2023 sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa isang Instagram video, nagpasalamat ang Star for All Seasons sa natanggap na mga suporta mula sa mga Pilipino abroad at patuloy na tinangkilik ang kaniyang pelikula.

Ginanap ang 2024 Manila International Film Festival noong Pebrero 2.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter