VP Sara Duterte, mainit na tinanggap sa Cebu City

VP Sara Duterte, mainit na tinanggap sa Cebu City

MAINIT na tinanggap ng mga kababayan sa Cebu City si Vice President Sara Duterte sa pagbisita nito sa siyudad noong Biyernes, Pebrero 2, 2024.

Nag-abang sa gilid ng daan sa labas ng Pasil Elementary School na kasing-init ng sikat ng araw ang mga kababayang masayang nakipagkamayan sa kaniya.

Natutuwa naman ang bise presidente na makita ang kanilang mga ngiti. Damang-dama aniya nito ang pagmamahal at suporta.

Aniya, ipinaabot nila ang kanilang saloobin sa patuloy na pagpapatupad ng Grades 11-12.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang pag-aaral at konsultasyon ng House of Representatives katuwang ang Department of Education (DepEd) kaugnay rito.

Ayon kay VP Duterte na malapit sa kaniyang puso ang Cebu hindi lamang dahil dito nanggaling ang kaniyang ama, kundi dahil iba aniya talaga magmahal ang mga Cebuanos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble