HINILING ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na maipatawag ang lahat ng regional directors ng Philippine National Police (PNP) sa isang hearing.
Ito ay para talakayin aniya ang napaulat na paglaganap ng illegal gambling sa bansa.
Sinabi pa ni Tulfo, na ang may pinakamalaking role para matigil ito ay ang mga lokal na politiko, dahil kung gusto nitong matanggal sa kanilang lugar ay matatanggal talaga aniya ito.
Mayroong kabuuang 17 PNP regional offices ang bansa.