Camarines Sur, nagbigay ng 15 mechanical ventilators sa BMC

Camarines Sur, nagbigay ng 15 mechanical ventilators sa BMC

NAGKALOOB ang provincial government ng Camarines Sur ng 15 mechanical ventilators sa Bicol Medical Center (BMC) sa pangunguna ni Governor Migz Villafuerte at ng BMC Multi-Sectoral Governance Council.

Ayon kay Dr. Jose Manuel Rañola III, Head ng Emerging and Re-emerging Infectious Diseases Ward (COVID-19 Ward), ang mga ventilators na ito ay napakalaking tulong lalong lalo na sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon dala ng nakamamatay na virus.

Malaki rin ang pasasalamat ng ospital sa mga nagbigay ng donasyon mula sa pribado at publikong mga ahensya o mga indibidwal.

Sa ngayon, ang lokal na pamahalaan ng probinsya ng Camarines Sur ay patuloy sa paghahatid ng mga tulong sa publiko katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno katulad ng pagbibigay ng hanap-buhay sa mga nasasakupan nito.

(BASAHIN: Total lockdown sa nag-iisang mental hospital sa Camarines Sur, tatanggalin na)

SMNI NEWS