First Lady Liza Marcos, idinawit sa kasong extortion; PNP, nilinaw ang isyu

First Lady Liza Marcos, idinawit sa kasong extortion; PNP, nilinaw ang isyu

NADADAWIT ang pangalan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa isyu ng extortion.

Ito’y matapos na maaresto ang isang 48 anyos alyas Isko at dalawa pang kasamahan nito na kinilalang alias “Joselito” 46 anyos at isang 42 anyos na marines alias “German”.

Nahuli ang nga suspek mula sa isang sumbong ng biktima kung saan si alyas Isko ay nangako ng proteksiyon sa emissions testing at medical business nito sa LTO kapalit ng P5-M.

Gamit ang pangalan ni First Lady Liza Marcos, tinakot umano ang biktima na kung hindi magbibigay sa hinihinging pera ay ipakakansela nito ang lahat ng transaksiyon at negosyo ng biktima.

Ayon kay PNP PIO Chief Col Jean Fajardo, nilinaw aniya ng Criminal Investigation and Detection (CIDG) na wala anilang kinalaman si FL LAM sa operasyon bagay na hinuli ang mga suspek dahil sa panloloko.

“As per CIDG, wala kinalaman sina FL LAM sa operation nila. Kaya nga inoperate po sila bcoz they are using the name para manloko,” pahayag ni Col. Jean Fajardo, Chief-PIO.

Muling nakikiusap ang PNP sa publiko na maging alerto at mapagmatyag lalo na sa mga katransaksiyon para maiwasang mapahamak at malagay sa panganib ang buhay.

Kasabay rito ang pangako na mapanagot ang sinuman sa paglabag sa mga umiiral na batas.

“The CIDG calls on the public to be alert and critical about the identity of the person you are transacting with and I have instructed my operatives to step up its efforts in the arrest of these criminals within the bounds of the law,” ayon kay PMGen. Romeo Caramat Jr. Chief, CIDG.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Art. 293 of the Revised Penal Code (Robbery Extortion) na ipipila naman sa City Prosecutor’s Office ng Pasay City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble