PBA, NLEX Road Warriors, pinalawig ang winning streak matapos talunin ang Blackwater Bossing

PBA, NLEX Road Warriors, pinalawig ang winning streak matapos talunin ang Blackwater Bossing

PINALAWIG pa ng NLEX Road Warriors ang kanilang winning streak at hindi pinagbigyan ang Blackwater Bossing na manalo sa nagpapatuloy na 2024 Philippine Cup.

Sa unang quarter ng kanilang laro, kontrolado ito ng Blackwater sa iskor na 22-26.

Pagdating sa second quarter nagawang maibaba ng NLEX sa isang puntos ang lamang ng bossing.

Sa huling quarter, hawak pa rin ng Blackwater ang kalamangan sa huling limang minuto ng laro, bago makalamang ang NLEX sa pamamagitan ng 3-point shot ni Jhan Mchale Nermal.

Naging malaking tulong rin sa panalo ng Road Warriors ang back-to-back 3-point shot ni Robert Bolick sa huling minuto ng kanilang laro.

Sa kabuuan gumawa si Bolick ng 21 points, 9 rebounds at 9 assists.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble