Tensiyon sa WPS, ginagamit ng US sa pansariling interes—Geopolitical Analyst

Tensiyon sa WPS, ginagamit ng US sa pansariling interes—Geopolitical Analyst

PANSARILING interes at hindi para sa Pilipinas ang ginagawang pakikisawsaw ng Estados Unidos sa tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang paniniwala ng geopolitical analyst na si Prof. Herman Laurel kaugnay sa tila pakikipag-alyansa ng administrasyon sa Estados Unidos at pagkuha ng suporta sa ibang bansa hinggil sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China sa WPS.

Ayon kay Laurel, kapansin-pansin ang mga kilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nakasandal sa Estados Unidos.

Sakali naman aniyang mauwi sa giyera ang sigalot sa WPS ay wala itong pakinabang para sa bansa.

Sinabi naman ni Laurel, ‘di tulad ng Pilipinas, ang ibang bansa na umaangkin din ng teritoryo sa WPS ay nagkakaroon ng pakikipag-usap sa China.

Sa huli, sinabi ni Laurel, na nawawala sa tamang direksiyon ang bansa dahil sa mga pansariling interes na itinutulak ng Estados Unidos.

Follow SMNI NEWS on Twitter